JaDine, nag-2nd anniversary sa Siargao

By Rhommel Balasbas February 14, 2018 - 12:12 AM SHARE(S):

 

IG/skyjetair

Dalawang araw bago ang Valentines Day ay nagdiwang ng kanilang ikalawang anibersaryo bilang magkasintahan ang showbiz couple na sina Nadine Lustre at James Reid.

Matapos ang kanilang matagumpay na ‘Revolution’ concert sa Araneta Coliseum ay lumipad ang JaDine patungong Siargao nitong Linggo, February 11.

Ibinahagi ng Skyjet Airlines ang larawan ng sikat na real life couple sa Instagram.

Dito makikita ang dalawa na nagpose kasama ang pilot at co-pilot ng eroplanong kanilang sinasakyan patungong Siargao.

Hindi naman magkamayaw sa tuwa ang mga fans sa larawan na ibinahagi ng airline at nagpasalamat dito sa pag-post ng naturang larawan sa Instagram.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.