90’s PBA Player na si Boybits Victoria, na-diagnose na may kakaibang uri ng karamdaman

By Rhommel Balasbas February 14, 2018 - 12:03 AM SHARE(S):

 

Inquirer file photo

Na-diagnose na may kakaibang autoimmune disorder na maaaring ikaparalisa ng dating PBA Player na si Boybits Victoria.

Sa Facebook post ni Bing Victoria, kapatid ni Boybits, may sakit na Guillain-Barre Syndrome (GBS) ang dating Rookie of the Year.

Ani Bing, kasalukuyang naka-confine sa Intensive Care Unit (ICu) ng San Juan de Dios Hospital ang kanyang kapatid at nilagyan ng respirator upang tulungang makahinga ito.

Ang Guillain-Barre Syndrome ay isang bihira ngunit mapanganib na autoimmune disorder kung saan inaateke ng immune system ang malulusog na nerve cells sa peripheral nervous system dahilan upang manghina at magmanhid ang katawan.

Nanawagan si Bing ng panalangin para sa ikagagaling ng kapatid.

Si Boybits ay itinanghal na Rookie of the Year noong taong 1994.

Tinapos niya ang kanyang karera sa basketball sa San Miguel Beer.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.