Lalake, nagnakaw ng tsokolate para may mairegalo sa nobya ngayong Valentine’s

By Mark Makalalad February 14, 2018 - 03:29 AM SHARE(S):

 

Kuha ni Mark Makalalad

Kalaboso ang inabot ng isang lalaki matapos mahuli sa aktong nagnanakaw ng imported na tsokolate sa isang mall para may maipang-regalo umano sa kanyang nobya ngayong Araw ng mga Puso o Valentine’s Day.

Malamig na rehas na ngayon ang hinihimas ng suspek na kinilalang si Mervin Dotullo, 20-anyos ng Golden City Subdivision, Salawag, Dasmarinas Cavite dahil sa krimen na kanyang nagawa.

Ayon sa imbestigasyon ng Pasay Police, nahuli ni Jorge Batung, guwardya ng Hypermarket ang suspek matapos itong maaktuhang sinisikwat ang tsokolate.

Aabot sa P684 ang kabuuang halaga ng ninakaw na ni Dotullo.

Desidido naman ang pamunuan ng mall sampahan ito ng ng kasong theft o pagnanakaw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.