Tagtuyot sa Cape Town, South Africa idineklarang ‘national disaster’

By Rhommel Balasbas February 14, 2018 - 12:13 AM SHARE(S):

 

Idineklara na ng pamahalaan ng South Africa na isang ‘national disaster’ ang nararanasang kawalan ng tubig o tagtuyot sa lungsod ng Cape Town.

Ang naturang deklarasyon ay inanunsyo matapos pag-aralang maigi ang lala ng problema ng krisis na tatlong taon na nilang nararanasan.

Ang naturang klasipikasyon ay nangangahulugang ang pagresolba sa tagtuyot sa ilang bahagi ng South Africa partikular sa Kanluran, Silangan at Hilagang bahagi ng Cape ay kailangan nang ipaubaya sa pambansang pamahalaan.

Kasabay nito, ang tinatawag na ‘Day Zero’ na panahon na inaasahan na mauubos ang ‘tap water’ sa Cape Town ay naiurong pa hanggang June 4.

Nauna na kasing napag-aralan na mauubos ito sa April 12 ngunit naiurong dahil sa ‘water saving measures’ na ipinatutupad.

Ang naturang balita ay ikinatuwa ni Deputy Mayor Ian Nielson at ipinahayag na ang konsumo sa tubig ng lungsod ay nakapagtala ng ‘all time-low’.

Ayon naman kay Department of Co-operative Governance Minister van Rooyen, higit 70 million Rands na ang inilaan para masolusyonan ang tagtuyot.

Sa kasalukuyan, ang konsumo lamang ng Cape Town ay umaabot na lang sa 550 million liters kada araw na noong nakalipas na dalawang taon ay umaabot sa higit isang bilyong litro.

Ipinapatupad ang 50 liter limit kada tao na hindi madali para sa mga residente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.