Labi ng Pinay na nasawi sa lindol sa Taiwan, darating sa bansa ngayong araw

By Rhommel Balasbas February 14, 2018 - 01:58 AM

 

Nakatakdang dumating ngayong umaga ng Miyerkules ang labi ng Pinay OFW na nasawi sa magnitude 6.4 na lindol na yumanig sa Taiwan noong February 6.

Ito ang ipinahayag ng Pilipino Association of Manpower Agencies Accredited to Taiwan (PILMAAT) na nakipagtulungan sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) upang maiuwi ang mga labi ni Melody Albano Castro.

Ang mga labi ng Pinay ay nakatakdang dumating sa Ninoy Aquino International Airport lulan ng China Airlines flight CI-701 mula Taipei ganap na alas-9:40 ng umaga.

Matabos ibaba ay dadalhin ang kanyang mga labi sa PAIR-PAGS Center sa Ninoy Aquino Avenue sa NAIA Complex at ibabiyahe naman tungong Tuguegarao City, Cagayan sa araw ng Huwebes.

Si Castro ay tubong Abulug, Cagayan at nanilbihan para sa isang Japanese couple sa sang nursing home sa Taiwan.

Isa lamang si Castro sa 17 nasawi sa naturang lindol kung saan bumagsak ang building na kanyang kinaroroonan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.