Gen. Bato, gagawaran ng pinakamataas na award ng Indonesian police

By Rhommel Balasbas February 14, 2018 - 02:06 AM SHARE(S):

 

Ngayong araw, February 14 ay nakatakdang gawaran si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ng ‘Bintang Bhayangkara Utama’ o Medal of Honour ng Indonesian National Police (INP).

Ang naturang parangal ay ang pinakamataas na medalya na iginagawad sa INP ng Pangulo ng Republika ng Indonesia.

Sa isang opisyal na ‘communique’ noong January 29, ipinaalam ni INP Chief Police General H. Muhammad Tito Karnavian kay Dela Rosa ang tungkol sa naturang award sa pamamagitan ni Philippine Ambassador Maria Lumen Isleta.

Ayon kay Karnavian, ang Medal of Honour award ay bilang pagkilala ng kanilang bansa sa naging mahalagang papel ng PNP Chief sa pakikipagtulungan at pakikibahagi nito upang masiguro ang seguridad ng Indonesia at Pilipinas sa nakalipas hanggang sa hinaharap.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Superintendent John Bulalacao, ang PNP at INP na parehong ‘pioneer’ o mga unang miyembro ng ASEAN Association of Police Chiefs (ASEANAPOL) ay kapwa may tiyak na pagtutulungan sa aspeto ng joint maritime border patrols, anti-terrorism, anti-piracy, anti-smuggling, transnational crime, iligal na droga at human trafficking.

Tatanggapin ng PNP Chief ang kanyang parangal sa isang grand conferment ceremony sa auditorium ng Police Academy sa Jakarta ngayong araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.