Panibagong batch ng mga OFW mula Kuwait, nakauwi na sa bansa

By Mark Makalalad February 14, 2018 - 01:23 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Nakauwi na sa bansa ang panibagong batch ng mga undocumented at overstaying OFWs na nag-avail ng amnesty program ng Kuwait.

Pasado alas-10:40 kagabi nang dumating ang 131 OFW sakay nang Qatar Airways flight 928.

Bago nito, pasado alas-3:30 ng hapon ay nakauwi na rin ang nasa 116 OFW lulan naman ng Etihad Airways flight 424.

Nasa 300 ang orihinal na bilang ng mga uuwi sang mga OFW pero ang iba sa kanila ay hindi na nagpakita at ang iba naman ay may kaso pa sa Kuwait.

Ilan lang sila sa mga libo-libong undocumented at overstaying OFWs na nag-avail ng amnesty program ng Kuwait.

Ang pagbibigay ng amnesty program ay mula January 29 hanggang February 22.

Nitong, Lunes inilabas ng Departmnet of Labor and Employment o DOLE ang administrative order kaugnay sa total deployment ban sa lahat ng mga Pilipinong manggagawa papuntang Kuwait.

Base na rin ito sa kautusan ni Pangulong Duterte na tuluyan nang pagbawalan ang mga OFW na magtrabaho sa nasabing bansa dahil na rin sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga manggagawang Pinoy doon.

Kamakailan lang ay natagpuan ang katawan ng Pinay OFW na si Joanna Daniela Demafelis sa loob ng isang freezer habang nagpapatuloy din ang imbestigasyon sa ina pang kaso ng pagkamatay ng mga Pinoy household worker sa Kuwait.

Tatanggap ang mga distressed OFW ng P5,000 cash at P20,000 na livelihood assistance mula sa OWWA at P5,000 at groceries naman mula DFA.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.