OWWA, sisilipin ang umano’y pagbalewala ng ilang kawani sa paghingi ng tulong ng pamilya ni Joanna Demafelis

By Jay Dones February 14, 2018 - 01:27 AM SHARE(S):

 

Sisilipin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang naging pahayag ng pamilya ng OFW na natagpuang patay sa loob ng isang freezer sa Kuwait na umano’y hindi pinansin ng ilan sa kanilang mga tauhan ang kaso nito nang ito ay kanilang ilapit sa ahensya.

Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac, kanilang iimbestigahan kung sino ang nakausap ng kampo ng biktimang si Joanna Demafelis.

Ito ay upang malaman kung bakit naging ganito ang rekomendasyon ng naturang kawani sa kaso ni Demafelis.

Aminado naman si Cacdac na sadyang kulang ang kanilang mga tauhan upang tugunan ang lahat ng kinakaharap na sitwasyon ng mga OFW.

Sa ngayon aniya, sa Kuwait pa lamang, may 251,000 Pinoy na nagtatrabaho sa naturang bansa.

163,000 sa mga ito ay nagtatrabaho bilang mga Household Service Workers.

Sa kabuuan, may 10 milyong OFW ang nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.