‘Sleepers cells’ ng mga terorista, nasa Cebu at Mindanao-Duterte

By Chona Yu February 14, 2018 - 12:00 AM SHARE(S):

Pinag-iingat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko dahil mayroong ‘sleeper cells’ ang teroristang grupo sa Cebu at Mindanao.

Sa talumpati ng pangulo kagabi sa harap ng mga lokal na opisyal sa Cebu City, sinabi nito na nagsasagawa ngayon ng regrouping ang teroristang grupo matapos malupig ng gobyerno ang kanilang hanay sa Marawi City noong nakaraang taon.

Sinabi pa ng pangulo na lubhang mapanganib ngayon ang corridor ng Lanao del Norte, Lanao del Sur papuntang Buldon hanggang sa Maguindanao dahil doon nagtatago ang mga terorista.

Ayon sa pangulo, hangga’t maari ayaw niya ng gulo at kung maari ay mag-usap na lamang para maiwasan na ang pagdanak ng dugo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.