Rape at murder supect pinugutan ng ulo bago itinapon sa gubat sa Negros Oriental

By Justinne Punsalang February 13, 2018 - 03:39 AM SHARE(S):

Natagpuan sa isang gubat sa Ayungon, Negros Oriental ang walang ulong bangkay ng isang lalaki.

Tadtad ng tama ng bala sa katawan ang bangkay.

Ayon sa mga otoridad, bagaman hindi pa nakikita ang ulo ng bangkay ay kinilala ang lalaki na si Reneboy Emalon. Ang kanyang mga kamag-anak ang kumilala kay Emalon sa pamamagitan ng damit na suot ng lalaki.

Napag-alaman na mayroong nakasampang kasong pagpatay at panggagahasa laban kay Emalon.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman kung mayroon bang kinalaman ang mga kasong nakasampa laban kay Emalon sa kanyang pagkamatay at kung sino ang salarin sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.