Special Audit Report ng COA sa Makati City Hall carpark tapos na

By Chona Yu September 30, 2015 - 08:18 PM

 INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Natapos na ng Commission on Audit (COA) ang special audit sa maanomalyang Makati City Carpark Building 2.

Ito ang kinumpirma ni COA Commissioner Jose Fabia nang sita ay dumalo sa budget hearing sa Senado.

Tumanggi naman si Fabia na idetalye ang kanilang findings lalo na ang ilang mga isyung may kinalaman sa budget na ginamit sa naturang proyekto.

Bagama’t tapos na ang kanilang trabaho sa pagbubusisi sa naturang proyekto, hindi pa rin nila maaring isa-publiko ang kanilang report sa ngayon dahil nasa proseso pa sila sa paghingi ng komento sa Makati City Local Government hinggil sa naturang usapin.

Paliwanag pa ng opisyal, mayroong alituntunin ang COA na sinusunod at hindi maaring ilabas ang report hanggang hindi naisusumite sa kanila ang komento.

Pero hanggang sa ngayon ay wala pa ring tugon ang tanggapan ni dating Makati City Mayor Junjun Binay sa komento na kanilang hinihingi kaugnay sa sinasabing maanomalyang transaksyon na nakapaloob sa pagtatayo ng nasabing gusali.

Magugunitang inabot ng ng isang taon ang ginagawang imbestigasyon ng Senate Blue Riboon Sub-Committee hingil sa naturang gusali kung saan ay nagkasanga-sanga na ang imbestigasyon hanggang sa mahalungkat ang iba pang mga umano’y katiwalian na kinasasakungtan ng Pamilya Binay.

TAGS: binay, COA, Makati, binay, COA, Makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.