OMB, PNP, kinalampag laban sa naglipanang pirated DVDs ng Heneral Luna
Kinalampag ni House Committee on Metro Manila Development Chairman at Quezon City Rep. Winston Castelo ang Optical Media Board at Philippine National Police ukol sa patuloy na paglipana ng mga pirated DVDs at iba pang uri ng multi-media paraphernalias sa bansa. Ito’y kasunod ng pagkalat ng mga pekeng DVDs ng Pinoy epic film na “Heneral Antonio Luna”.
Paalala ni Castelo sa OMB, hindi lamang nito mandato na i-monitor ang regulasyon ng DVD business kundi habulin ang mga lumalabag sa mga batas ukol sa intellectual property, gaya ng copyright.
Para naman sa PNP, pinakikilos ni Castelo si Interior Sec. Mel Senen Sarmiento laban sa mga producer at traders ng pirated DVDs na nananabotahe sa mga lehitimong nagpo-produce ng mga pelikula.
Hinimok din ng Kongresista ang publiko na huwag tangkilikin o huwag bilhin ang mga pirated DVD copies ng Heneral Antonio Luna at iba pang mga pelikula.
Ayos kay Castelo dapat na suportahan ang mga pelikulang gaya ng Heneral Antonio Luna upang mahikayat ang mga patriotic producer na gumawa ng kapaki-pakinabang na mga pelikula at mapagyaman na rin an gating sariling sining sa pamamagitan ng pagpapalabas sa mahahalagang bahagi ng kasaysayan ng ating bansa.
Hindi lamang daw ito makakatulong sa pagbangon sa industriya ng pelikulang Filipino kundi para makabawi rin ang mga producers sa nagastos sa paggawa ng mga good-quality movies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.