2 lalaki, arestado matapos manghablot ng cellphone sa babaeng nag-aabang ng taxi sa Maynila

By Mark Makalalad February 12, 2018 - 07:52 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Arestado ang dalawang lalaki matapos manghablot ng cellphone sa babaeng nag-aabang lang ng masasakyang taxi sa R. Papa St. kanto ng Rizal Avenue, Tondo.

Nakilala ang mga suspek na si Jessie Villanueva, 18 taong gulang; at isang 17-taong-gulang na lalaki. Habang ang isa pa nilang kasamahan na nagmaneho ng motorsiklo ay patuloy pang pinaghahanap.

Sa kuha ng CCTV ng Brgy. 187 Zone 17, makikita ang tatlong lalaki na magkaka-angkas sa motorsiklo at binabagtas ang R. Papa kanto ng Rizal Avenue, Tondo, Manila.

Maya-maya pa, mapapansin na bumalik sa kanilang pinanggalingan ang 3. Huminto ng saglit at muling lumiko sa kanto.

Nakatangay na pala sila ng cellphone mula sa biktimang si Jamaica Austria.

Kwento ng biktima, nagkataon na may lalaking nakamotorsiklo rin na nakahinto noon sa traffic light at hiningan niya ng tulong. Isang pulis pala ang lalaki na nakilalang si PO1 Jomar Caliguiran na agad na humabol sa mga suspek.

Unang naaresto ang menor de edad na may hawak na cellphone na nagtago pa sa ilalim ng nakaparadang kotse.

Habang nahuli naman si Villanueva, matapos Itinuro ng kanyang kasamahan.

Aminado ang menor de edad sa nagawang krimen. Anya, nagawa nya lang daw ito dahil mags-swimming sila ng kanyang mga kaibigan.

Si Villanueva naman ay itinanggi na kasama siya sa mga nanghablot.

Sa rekord ng MPD, inireklamo na rin ng robbery snatching noong nakaraang taon ang dalawang nahuling snatcher.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cellphone, crime, snatching, theft, two arrested, cellphone, crime, snatching, theft, two arrested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.