Emergency response ng Davao City, naghahanda na para sa Bagyong Basyang

By Justinne Punsalang February 12, 2018 - 12:29 AM

 

Nasa full alert status na ang emergency response units ng Davao City bilang paghahanda sa pananalasa ng Bagyong Basyang na mayroong international name na Sanba.

Inaasahan kasing magdadala ng mga pag-uulan ang naturang bagyo sa hilaga at silangang bahagi ng Mindanao na dadaloy sa Davao River at posibleng magdulot ng flash flood sa lungsod.

Sa isang pahayag, sinabi ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na naka-standby na ang lhat ng kanilang mga response units para sa posibleng pagbabaha sa lugar.

Nakaalerto na rin sa ngayon ang mga flood-prone barangays.

Binalaan ng PAGASA ang mga mangingisda at iba pang mga maliliit na sasakyang pandagat na hindi ligtas mamalaot sa eastern seabord ng Visayas at Mindanao dahil sa malalakas na hanging dala ng Bagyong Basyang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.