27 katao patay sa sumalpok na bus sa Indonesia
Dalawamput pito katao ang patay, habang sugatan ang 16 na iba pa matapos sumalpok at gumulong-gulong ang isang tourist bus sa Subang region sa West Java, Indonesia.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, sinalpok ng bus ang isang motorsiklo habang mabilis na binabagtas ang pababang bahagi ng isang kalsada sa Subang region.
Dahil sa aksidente ay nagpagulong-gulong pa muna ang bus sa kalsada.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan ng banggaan ngunit isa sa kanilang tinitingnang rason ang pagpalya ng preno ng bus.
Madalas ang mga kaparehong aksidente sa Indonesia dahil marami sa kanilang mga bus at tren ay matanda na at hindi maayos ang pagkaka-mentena.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.