Adamson nagtala ng unang panalo sa UAAP Women’s Volleyball

By Justinne Punsalang February 11, 2018 - 06:39 AM SHARE(S):

Kapwa 1-1 na ang win-loss record ng Adamson University Lady Falcons at Far Eastern University Lady Tamaraws sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament.

Ito ay matapos talunin ng Adamson ang FEU sa iskor na 25-23, 19-25, 25-22, 21-25, 15-12 sa kanilang laro kahapon na ginanap sa Filoil Flying V Centre.

Ayon kay Lady Falcons head coach Air Padda, kinakailangan ng kanilang koponan na manalo kontra sa Lady Tamaraws dahil ito ang magsisilbing ‘confidence booster’ ng kanyang mga manlalaro para sa kabuuan ng season.

Ayon pa kay Padda, ‘evenly matched’ ang dalawang koponan.

Pinagunahan ni Jema Galanza ang Adamson matapos nitong magbigay ng 26 points. Kapwa 25 points naman ang ibinigay nina Mylene Paat at Joy Dacoron.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.