Binabantayang LPA sa Silangan ng Mindanao, isa nang Tropical Depression
Isa nang tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan sa Silangang bahagi ng Mindanao.
Ayon sa pinakahuling weather update ng Pagasa, nasa labas pa rin ng bansa ang sama ng panahon at namataan sa layong 1,355 kilometro sa Silangan ng Mandanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Samantala, magdadala ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan ang Northeast Monsoon o hanging Amihan sa Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley Region.
May epekto rin ang amihan sa Ilocos Region na makararanas ng katamtamang maulap na papawirin na kung minsan ay may paminsan-minsang pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.