Rain or Shine wagi sa ikatlong sunod na laban sa PBA Philippine Cup

By Rhommel Balasbas February 11, 2018 - 04:10 AM SHARE(S):
PBA Images

Pinataob ng Rain or Shine ang Magnolia sa iskor na 101-95 sa kanilang laban sa PBA Philippine Cup.

Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Rain or Shine na umangat sa ikaapat na pwesto sa win-loss record na 5-3.

Habang pinatikim naman ng koponan ng ikalawang sunod na talo ang Hotshots dahilan para bumaba ito sa pwesto sa record na 6-3.

Second quarter pa lamang ay pinakita na ng Rain or Shine ang kanilang lakas matapos magpatikim ng 16-4 na iskor para tapusin ang first half ng laban para maitala ang 47-35 na pagitan.

Pinangunahan ni Raymond Almazan ang Rain or Shine sa kanyang 23 puntos at six rebounds habang nakadagdag naman si James Yap ng 13 points, five rebounds at 3 assists.

Nanguna naman para sa Hotshots si Adrech Ramos sa kanyang 27 points.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.