Sen. Pangilinan: Matanda na ako para magselos

By Den Macaranas February 10, 2018 - 01:45 PM SHARE(S):
Photo: Mc. Donald’s

Sinabi ni Sen. Kiko Pangilinan na siya ay matanda na para pagselosan ang ngayon ay viral video ng advertising ads nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Ayon kay Pangilinan, siya ang unang bumati kay Sharon makaraang maging viral ang muling pagtatambal nina Sharon at Gabby.

Hindi rin daw malayong masundan ng isang pelikula ang muling pagsasama ng dalawa makaraang mag-click sa publiko ang kanilang muling pagtatambal.

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan ng mga netizen ang tambang Sharon-Gabby sa pinakahuling video commercial ng Mc. Donald’s.

Dagdag pa ni Pangilinan, isa sa mga sikreto ng maayos nilang pagsasama ng kanyang misis ay binibigyan nila ng pagkakaton ang isa’t isa para gawin ang kani-kanilang gusto sa buhay.

Sa ganitong set-up anya ay mababawasan ang komplikasyon ng isang mag-asawa.

TAGS: gabby, Mc Donald's, pangilinan, sharon, gabby, Mc Donald's, pangilinan, sharon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.