Pinoy ISIS member na naaresto sa bansa iniimbestigahan na rin sa U.S

By Jimmy Tamayo February 10, 2018 - 09:19 AM

Tatlo katao kabilang ang isang Pinoy ang inilagay sa blacklist ng U.S.Treasury Department dahil sa ugnayan nito sa financial network ng Islamic State.

Kinilala ng U.S. Treasury ang tatlo na sina Yunus Emre Sakarya mula sa Turkey, Mohamed Mire Ali Yusuf na mula sa Somalia at si Abdulpatta Escalon Abubakar mula sa Pilipinas.

Si Abubakar ay sinasabing nasa likod ng pangangalap ng pondo para sa ISIS network noong 2016 at 2017.

Tumutulong din umano si Abubakar sa pagbili ng ISIS ng armas at mga pampasabog mula sa ibat-ibang bansa.

Si Abubakar ay naaresto sa Pilipinas noong Setyembre nang dumating ito sa Maynila mula sa Jeddah, Saudi Arabia.

Si Sakarya naman ang itinuturong supplier ng mga drones mula sa pag-aari nitong kompanya sa Turkey na Profesyoneller Elektronik habang si Mire Ali naman na isang negosyante ay front umano ng grupo sa Bari region ng kanilang bansa.

TAGS: Abdulpatta Escalon Abubakar, ISIS, u.s treasury, Abdulpatta Escalon Abubakar, ISIS, u.s treasury

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.