KZ Tandingan, nasungkit ang top spot sa fifth week ng ‘Singer 2018’

By Rhommel Balasbas February 10, 2018 - 04:20 AM SHARE(S):

Hindi umubra ang British Pop star na si Jessie J at ang iba pang mga Chinese International Singers sa talentong Pinoy.

Ito ay matapos masungkit ni KZ Tandingan ang top 1 spot sa singing competition sa China na ‘Singer 2018’ para sa fifth week episode nito.

Kinanta ni KZ ang isang jazzy rendition ng sikat na awit ni Adelle na “Rolling in the Deep”.

Halos mapanganga ang audience at ang mga kapwa contenders maging si Jessie J sa bahagi ng kanta kung saan nag-rap ng Tagalog si Tandingan.

Dahil sa kanyang performance, nanatili sa ikalawang pwesto si Jessie J sa ikalawang sunod na linggo.

Sa unang tatlong linggo ng kompetisyon ay ang international singer ang nanguna sa botohan.

Ang rankings ay nakabatay sa boto ng studio audience kung saan ang pinakakulelat ay matatanggal at papalitan ng bagong challenger.

Muling magpeperform si Jessie J, KZ at ang iba pang mga mang-aawit sa susunod na linggo para sa isang panibagong labanan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.