Pag-anunsyo ng magiging VP at senatorial lineup ng LP, ipinagpaliban

By Kathleen Betina Aenlle September 30, 2015 - 05:40 AM

mar-roxas-0731Hindi matutuloy ang dapat sana’y proklamasyon ng Liberal Party ng makakatandem ng kanilang standard bearer na si Mar Roxas, maging ang buong listahan ng kanilang mga pambatong senador para sa 2016 elections.

Gaganapin sana ang nasabing anunsyo sa kanilang headquarters sa kanilang pulong sa Balay ngayong araw, ngunit iniurong ito sa darating na Lunes.

Ayon kay Budget Sec. Florencio Abad, bagaman hindi matutuloy ang kanilang anunsyo, tuloy pa rin naman ang kanilang pulong para talakayin ang kanilang lineup at iba pang mga usapin hinggil sa eleksyon.

Ani Abad, inaasahang mareresolbahan na ang lahat ng mga problema sa meeting upang mapaghandaan ang gagawing pag-aanunsyo ng kanilang kumpletong listahan sa susunod na linggo.

Samantala, hindi pa rin susuko ang LP sa panunuyo kay Camarines Sur Rep. Leni Robredo para maging ka-tandem ni Roxas.

TAGS: liberal party announcement postponed, liberal party announcement postponed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.