Meralco, magpapatupad na ng dagdag-singil ngayong buwan

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2018 - 06:56 AM

May dagdag singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Pebrero.

Ayon sa MERALCO, ang dagdag singil ay dahil sa pagbalik sa normal ng presyo ng kuryente sa mga power plants mula sa mas mababang halaga nito noong Disyembre at Enero.

Dagdag pa dito ang pag-iral ng VAT sa transmission charge dahil sa TRAIN law at ang paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.

6 centavos bawat kilowatt hour ang posibleng dagdag ngayong buwan.

Gayunman, bukas pa araw ng Huwebes, iaanunsyo ng Meralco ang aktwal na halaga ng dagdag at ang halaga ng magiging epekto nito sa bill ng consumers.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: meralco, power rate, Radyo Inquirer, train law, meralco, power rate, Radyo Inquirer, train law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.