WATCH: 7 drug suspects arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Caloocan

By Justinne Punsalang February 06, 2018 - 07:56 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Arestado ang anim na katao kabilang ang dalawang menor de edad sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City., habang sa hiwalay na operasyon, isa pang lalaki ang nadakip sa lungsod makaraang mahulihan rin ng ipinagbabawal na gamot.

Sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga elemento ng Caloocan City Police sa Barangay 73, arestado ang anim kabilang ang dalawang 17-anyos na mga kabataan.

Bukod sa dalawang menor de edad ay arestado rin ang mga pangunahing target ng operasyon na mag-livein partner na kinilalang sina Jomarie Lascano, 25 taong gulang at Kristine Macala, 22 taong gulang. Silang dalawa ang itinuturong tulak ng droga sa kanilang lugar.

Naaresto rin ang dalawa pang kasama sa bahay nina Lascano at Macala na sina Aaron Colaste, 19 na taong gulang at CJhay Javier, 18 taong gulang.

Nasabat mula sa mga suspek ang anim na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isanlibong buy bust money.

Ayon kay Police Senior Superintendent Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan City Police, posible pa ring makulong ang dalawang menor de edad.

Samantala, sa hiwalay naman na Oplan Sita ay naaresto ang isa pang lalaki na nakuhanan din ng droga.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa detention facility ng Caloocan City Police.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan, drug suspects, Radyo Inquirer, seven drug suspects, caloocan, drug suspects, Radyo Inquirer, seven drug suspects

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.