Pangulong Duterte, dumalaw sa puntod ng kanyang ina

By Jay Dones February 04, 2018 - 09:02 PM

 

Courtesy: SAP Bong Go

Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa puntod ng kanyang yumaong ina ngayong gabi.

Ngayon ang ikaanim na death anniversary ni Ginang Soledad Duterte na nakalibing sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City.

Sa kanyang pagbisita, nagsindi na kandila ang pangulo sa puntod ng kanyang ina at nag-alay rin ng dasal.

Si Pangulong Duterte ay kilalang malapit sa kanyang Nanay Soling noong ito ay nabubuhay pa.

Si Ginang Soledad o Nanay Soling ay pumanaw noong February 4, 2012 dahil sa karamdaman sa edad na 95-anyos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.