Novak Djokovic sumailalim sa operasyon para sa elbow injury

By Justinne Punsalang February 04, 2018 - 06:45 AM

AP Photo

Sumailalim na sa operasyon ang tennis star na si Novak Djokovic para subukang mapagaling ang kanyang elbow injury na dalawang taon na niyang iniinda.

Pumayag si Djokovic na magkaroon na ng operasyon matapos siyang mismong sa court gamutin makalipas siyang matalo ni Chung Hyeon sa Australian Open.

Inakala niya kasi umano na matapos ang kanyang extended break ay magiging maayos na ang kanyang lagay. Ngunit makalipas ang anim na buwan ay naroon pa rin ang sakit sa kanyang siko.

Umaasa naman siya na ngayong naoperahan na siya ay muli na siyang makakabalik sa loob ng court.

Malaki naman ang pasasalamat ni Djokovic sa kanyang mga fans dahil sa kanilang walang patid na suporta. Aniya, lagi niya silang i-uupdate tungkol sa kanyang lagay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.