Tatlo patay, 30 sugatan sa aksidente sa Naga

By Jan Escosio September 29, 2015 - 11:19 AM

Ragay Cam SurTatlo ang nasawi habang nasa 30 ang sugatan sa banggaan ng limang sasakyan kagabi sa Andaya Highway, Lower Sta. Cruz, Ragay, Camarines Sur.

Ayon kay PO2 Julieto Mondigo Jr., kabilang sa mga nasawi si Joseph Cater na presidente ng Association of Barangay Captain sa Ragay, at ang dalawang bata na sina Alleandro Purca, 8 taong gulang at Alea Liana Saraza, 4 na taong gulang.

Batay sa imbestigasyon, unang naganap ang isang aksidente sa pagitan ng isang motorsiklo at isang tricycle.

Rumesponde sa nasabing aksidente ang mga pulis sakay ng bagong-bagong Mahindra Patrol car at tumulong naman si Cater sa pagdokumento ng insidente sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan.

Habang isinasagawa ang imbestigasyon, isang rumaragasang 10-wheeler truck na puno ng buhangin ang dumating at inararo ang accident site.

Kabilang sa mga sinalpok ng truck ang isang SUV at ang Mahindra Patrol car. Habang isa ring R. Volante Bus ang sumalpok naman sa isang Mitsubishi Adventure.

Dead-on-the-spot si Cater at ang dalawang bata na noon ay nasa lugar ng pinangyarihan ng aksidente.

Isang PO3 Ferrer na pasakay na sa police car ang nasaktan sa aksidente at nagtamo ng pinsala sa ulo at binti. Ginagamot na ang nasabing pulis sa ospital sa Naga.

Ang iba pang nasagutan dahil sa aksidente ay dinala na sa Ragay District Hospital.

TAGS: RagayCamarinesSur, RagayCamarinesSur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.