Lalaking sumuko na noon sa Oplan Tokhang, arestado sa Maynila

By Mark Gene Makalalad February 02, 2018 - 07:53 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Arestado ang isang lalaki na tulak ng droga sa Sampaguita St. Cor Rizal Ave, Blumenttrit, Sta. Cruz, Manila.

Huli sa akto ang suspek na si Geoffrey Calacala, 35 anyos na nagbebenta ng shabu na nakatago sa candy.

Ayon kay S/Insp. Edisson Ouano, Commander ng Blumenttrit PCP, nagpanggap ang kanilang mga operatiba na bibili ng P300 halaga ng shabu kay Calacala at nang makapagtransaksyon na ay doon na nila dinampot ang suspek.

Nabatid na dati na ring may record sa mga pulis si Calacala.

Gumagamit umano ito ng iligal na droga at sumuko na noong nakaraang taon sa Oplan Tokhang.

Pero matapos ang pagsuko ay nakatanggap sila ng impormasyon na bumabalik ulit sa iligal na gawain ang suspek.

Nakuha sa suspek ang 10 sachet ng shabu na nasa mahigit P2,000 ang halaga. Nakuha rin mula sa kanya ang P300 pera.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Illegal Drugs, Oplan Tokhang, Radyo Inquirer, War on drugs, Illegal Drugs, Oplan Tokhang, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.