2 arestado matapos maaktuhang nagre-repack ng shabu Quezon City

By Justinne Punsalang February 02, 2018 - 07:15 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Maghahain lamang dapat ng warrant of arrest ang mga tauhan ng Quezon City Police District – District Special Operations Unit (QCPD-DSOU) sa isang bahay sa Barangay Pasong Tamo nang maaktuhan ang tatlo katao sa loob nito na nagtatarya o nagrerepack ng shabu.

Sinalakay ng QCPD-DSOU ang bahay ni Kerwin Mabait dahil sa kasong robbery with homicide. Itinuturo siyang suspek sa serye ng panghoholdap sa mga Barangay Holy Spirit, Batasan, at Patasan.

Ayon sa mga otoridad, modus ng grupo ni Mabait na barilin ang mga biktima nito, sakaling pumalag sa pagnanakaw. Kadalasan pa na mga babae na pababa ng tricycle ang target nito.

Ayon kay PSI Paterno Domondon Jr., sa kanilang pagsalakay, nagkahabulan pa muna sila ng suspek ngunit nakatakas si Mabait.

Arestado naman ang nagsisilbing body guard ni Mabait na si Noel Fernando alyas Bugnot, at isa drug runner na si Evelyn Gutierrez.

Nasabat mula dito ang 14 na sachet ng shabu, 14 na sachet ng marijuana, mga drug paraphernalia, at isang kalibre 38 na revolver at apat na mga bala.

Hindi naman na itinanggi pa nga mga suspek ang pagtatarya. Maging ang ginagawang panghoholdap nina Bugnot ay hindi rin nitong itinanggi.

Ayon pa kay Domondon, napag-alaman nilang 23 ibang katao pa ang pinagbabagsakan ng droga ng grupo ni Mabait.

Sinabi naman ni Domondon na dahil sa talamak na pagtutulak ng droga ng mga suspek sa lugar ay mistula namg shabu tiangge ang lugar ng operasyon ng mga ito.

Mahaharap sina Fernando at Gutierrez sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang patuloy namang tutugisin ng pulisya si Mabait.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 2 arrested, Illegal Drugs, Pasong Tamo Quezon City, QCPD, War on drugs, 2 arrested, Illegal Drugs, Pasong Tamo Quezon City, QCPD, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.