Cebu Pacific, nagkansela ng mga biyahe patungong Legazpi City

By Mariel Cruz February 01, 2018 - 09:58 AM SHARE(S):

Dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon, nagkansela na ang Cebu Pacific ng ilang sa kanilang biyahe patungong Legazpi City.

Simula ngayong araw, February 1 hanggang sa Sabado, February 3 ang mga kinanselang biyahe ng airline company.

Sa isang abiso na inilabas ng Cebu Pacific at CebGo, kabilang sa mga kanseladong biyahe ay ang mga sumusunod:

Biyaheng Manila to Legazpi:

  • 5J 321 (simula February 1 hanggang February 3)
  • 5J 327 (February 2)
  • 5J 325 (February 3)

Biyaheng Legazpi to Manila:

  • 5J 322 (simula February 1 hanggang February 3)
  • 5J 328 (February 2)
  • 5J 326 (February 3)

Biyaheng Cebu to Legazpi:

  • DG 6206 (February 3)

Biyaheng Legazpi to Cebu:

  • DG 6207 (February 3)

Inabisuhan naman ng airline company ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanila para sa rebooking o refund.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cebgo, cebu pacific, flight cancellations, legazpi airport, Manila to Legazpi, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.