DFA patuloy na magbubukas ng passport appointment slots mula Pebrero hanggang Hunyo

By Dona Dominguez-Cargullo February 01, 2018 - 08:33 AM SHARE(S):

Patuloy ang pagbubukas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng slots para sa online passport appointments.

Ayon sa abiso ng DFA sa publiklo, araw-araw ay nagbubukas sila ng slots para sa buwan ng Pebrero hanggang Hunyo ngayong taon.

Kaya inabisuhan ng DFA ang publiko na palagiang bisitahin ang kanilang website para sa online appointment.

Huwebes (Feb. 1) ng umaga, sa mga sites sa Metro Manila kabilang sa mga mayroon pang slots na available para sa online appointment sa passport processing ay ang DFA sa SM Manila (June 2018), DFA NCR South Alabang (June 2018) at sa DFA Aseana (June 2018).

Habang ang mga satellite office naman ng DFA sa mga lalawigan ay mayroon pang slots sa Bacolod (May 2018), Baguio (June 2018), Butuan (March 2018), Cotabato (June 2018), General Santos (May 2018), La Union (June 2018), Legazpi (March 2018), Lucena (June 2018), Puerto Princesa (February 2018) at Tacloban (March 2018.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Department of Foreign Affairs, DFA advisory, February 2018, June 2018, online passport appointment, Department of Foreign Affairs, DFA advisory, February 2018, June 2018, online passport appointment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.