Bawas-presyo sa LPG, epektibo na ngayong araw

By Kabie Aenlle February 01, 2018 - 04:06 AM

Sa kabila ng linggu-linggong dagdag presyo sa diesel at gasolina, magpapatupad naman ng rollback sa presyo ng liquified petroleum gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis simula ngayong araw ng Huwebes, February 1.

Sa abiso ng Petron, tatapyasan nila ng P3.15 ang kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas prices simula 12:01 ng madaling araw ng February 1.

Babawasan din ng Petron ang kanilang Xtend AutoLPG ng P1.75 kada litro.

Sa anunsyo naman ng Solane at Phoenix LPG Philippines, kaparehong rollback din ang kanilang ipapatupad simula naman alas-8:00 ng umaga.

Ang rollback ay bunsod ng paggalaw ng contract price sa international market para sa buwan ng Pebrero. / Alvin Barcelona

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.