Malacañang pumalag na paratang na si Duterte ang ugat ng fake news

By Chona Yu January 31, 2018 - 03:18 PM

Umalma ang Malacañang sa pahayag ng journalist na si Ellen Tordesillas na number one source ng fake news si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Ana Marie Banaag, unfair ang paratang ni Tordesillas laban sa pangulo.

Iginiit pa ni Banaag na walang nakikitang dahilan ang palasyo para magpakalat ng pekeng balita dahil maraming magagandang nagagawa ang pangulo at ito ay nakikita mismo ng publiko.

Sa pagdinig sa Senado kahapon hingil sa pagkalat ng fake news sa bansa ay sinabi ng naturang mamamahayag na marami sa mga pinapakawalang salita ng pangulo ay hindi totoo.

Ibinida pa ni Banaag na mataas ang trust rating ng pangulo kung kaya walang dahilan para magpakalat pa ng mga pekeng balita.

TAGS: duterte, ellen tordesillas, fake news, Senate, duterte, ellen tordesillas, fake news, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.