2 pulis-Caloocan, naghain ng ‘not guilty’ sa pagpatay kina Carl Arnaiz at Kulot de Guzman

By Kabie Aenlle January 31, 2018 - 03:59 AM

 

Naghain ng not guilty plea ang dalawang bagitong pulis na nakasuhan ng murder, torture at frameup kaugnay ng pagkamatay ng mga kabataang sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Magugunitang sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng tig-dalawang counts ng murder at torture, habang tatlong counts naman ng planting of evidence ang mga pulis ng Caloocan City na sina PO1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita.

Inihain ng DOJ ang mga nasabing kaso noong nakaraang linggo sa Caloocan City Regional Trial Court Branch 122.

Bagaman hindi pa naglalabas ng commitment order si Judge Georgina Hidalgo, humiling na ang abogado ng dalawang pulis na panatilihin na lang sa kustodiya ng National Capital Region Police Office sina Perez at Arquilita para sa kanilang kaligtasan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.