Legazpi Airport, balik-operasyon na

By Jay Dones January 31, 2018 - 02:00 AM

 

Inquirer file photo

Balik-normal na ang operasyon ng Legazpi City Airport makaraan itong isara nang magsimulang magbuga ng abo ang Bulkang Mayon.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nagsagawa sila ng serye ng Visual Meteorological Condition survey sa runway ng Legaspi Domestic Airport nitong mga nakaraang araw.

At lumalabas anila sa kanilang survey na hindi naman naapektuhan ng pagbuga ng abo at lava ng bulkan ang runway at iba pang pasilidad ng paliparan.

Dahil dito, maari nang magsimula muli ang normal na byahe ng mga eroplano na lalapag sa naturang paliparan simula ngayong araw.

Matatandaang ilang linggo na rin nahinto ang operasyon ng Legazpi City Domestic Airport dahil sa pag-aaluburoto ng Mayon Volcano.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.