Bata patay sa sunog sa Quezon City

By Cyrille Cupino January 30, 2018 - 04:24 PM

Inquirer file photo

Sunog na nang matagpuan ng mga bumbero ang bangkay ng isang batang babae sa sunog na sumiklab sa K-7 Street, Brgy. Kamuning sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Kyla Nobrelaza, 2-taong gulang.

Kwento ng ina ng biktima na si Divina, naglalaba siy sa labas ng bahay ng makitang malaki na ang apoy bandang ala-una ng hapon.

Nataranta na umano siya nang makita ang sunog, at naiwan ang anak na natutulog sa ikalawang palapag ng bahay.

Ayon kay Fire Superintendent Manuel Manuel, pinuno ng Quezon City Fire Department, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Jun San Juan, at posibleng dahil ito sa problema sa linya ng kuryente.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumupok sa 10 kabahayan, na tinitirhan ng 20 pamilya.
Umaabot naman sa tatlo katao ang nagtamo ng mga minor injuries sa insidente.
Pasado alas-tres nang idineklarang fire out ang sunog, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang malaman ang tunay na sanhi nito.

TAGS: fire, kamuning, quezon city, fire, kamuning, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.