WATCH: Faeldon nadala na sa Pasay City jail; binigyan ng sariling selda

By Jan Escosio, Ruel Perez January 30, 2018 - 12:18 PM

(BREAKING) Dinala na sa Pasay City jail si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Sa nasabing bilangguan inilipat si Faeldon mula sa pagkakapiit nito sa senado makaraang patawan siya ng contempt dahil sa pagtanggi na sagutin ang mga tanong hinggil sa alegasyon ng katiwalian sa ahensya at sa P6.4 Billion shabu shipment.

Sakay ng kulay gray na SUV, mula senado ay dinala sa Pasay City jail si Faeldon.

Agad siyang iniakyat sa admin section ng Pasay City jail.

Binigyan ng sariling selda si Faeldon at ibinukod sa mga preso na mayroong kinaaanibang pangkat o ‘gang’.

Una rito, nanindigan ang senado sa napagkasunduan sa caucus na sa Pasay City jail dalhin sa Faeldon kahit pa sinasabing unsanitary at posibleng makasama sa kalusugan ni Faeldon kung sa nasabing bilangguan siya mananatili.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Nicanor Faeldon, Pasay City Jail, Radyo Inquirer, Nicanor Faeldon, Pasay City Jail, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.