Mayor ng Kiblawan, Davao del Sur, patay matapos mahulog sa kanyang koprahan

By Jay Dones September 29, 2015 - 04:47 AM

 

Mula sa Google

Patay ang alkalde ng Kiblawan, Davao del Sur makaraang aksidente itong mahulog sa imbakan ng kopra na pagmamay-ari ng kanyang pamilya.

Nakilala ang biktima na si Mayor Jaime Caminero, 72 taong gulang na nagtamo ng matinding pinsala sa kanyang uilo sanhi ng aksidente.

Sa imbestigasyon, iniinspekyon ng alkalde ang kanilang imbak na kopra sa loob ng bodega nang aksidente itong mahulog at mabagok ang ulo.

Bagama’t isinugod pa sa pagamutan sa Davao City ang alkalde, hind na nagawang maisalba ng mga doktor ang buhay nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.