Suspek sa pagpatay sa tanod sa Navotas, arestado

By Ronnie Blaza January 30, 2018 - 12:16 AM

 

Kuha ni Ronnie Blaza

Naaresto na ng Navotas police ang isang bente-tres ansyos na suspel sa pagpaslang sa isang barangay tanog sa Navotas.

Kinilala ang suspek na si John Carlo dela Peña na hindi na nakapalag pa nang arestuhin ng mga otoridad.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Dela Peña ay itinuturing na ika-siyam na most wanted ng Navotas at suspek sa pagpatay sa isang barangay tanod na si Esteban Salazar noong march 17 2017.

Naaresto ang suspek sa Antipolo City kung saan ito nagtago makaraan ang krimen.

Nang madakip, inamin ng suspek ang kanyang nagawang pagpatay sa biktima bagamat iginiit nitong aksidente lamang ang pangyayari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.