Dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog, hindi pa lusot sa mga kaso kahit nakaalis na ng bansa

By Mariel Cruz January 29, 2018 - 10:16 AM SHARE(S):

Hindi pa rin ligtas si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog sa mga reklamong ibinabato laban sa kanya.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kahit pa nakaalis na ng bansa ang dating alkalde kasama ang kanyang asawa at mga anak.

Noong nakaraang taon, lumipad patungo sa ibang bansa si Mabilog matapos absweltuhin ng Ombudsman sa umano’y maanomalyang towing deal at bigong pagdedeklara ng pinagmulan ng kanyang yaman.

Una na ring isinangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mabilog sa illegal drug trade.

Ayon kay Roque, sakaling magkaroon ng imbestigasyon, ay ikokonsidera ang extradition sa alkalde.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin batid kung saang bansa nagtungo ang dating alkalde.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Harry Roque, jed mabilog, narco list, War on drugs, Harry Roque, jed mabilog, narco list, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.